Saturday, April 7, 2012

E-Book: "After All These Years"


CHAPTER UNO


WAAAHHH!!!!! Bat ako, ang dami dami namang pwedeng tumakbong President ng Student Council bat ako pa, sabagay may experience na naman ako nung high school ako, kaso di ko natuloy yung pagiging Vice-President kasi lumipat ako ng school, siguro para talaga sakin yun para mapagpatuloy ko yung term ko, hehehe, kaso kahit my alam na ko sa paghandle ng organization, naninibago ako dahil di ko lahat kakilala ang mga school mate ko at hindi rin nila ako ganun kakilala, naku bahala na makukulit tong mga to eh wala na siguro sila mapili sa course namin kaya ako na lang, ng wowork pa naman ako pano ko mapapagsabay yun, basta bahala na, room to room campaign na, buti nalang mga classmate ko yung unang pinasok naming room kaso yung sumunod na grabe todo ginisa ako lalo na ako kasi ako nga naman yung tatakbong President, nakakatakot, tanong dito tanong doon, darag dito darag doon, grabe pawis na pawis nako di pa ko nakapag dala ng panyo pano nagmamadali nga ako, lunch time na nakapagpahinga din, mga octoberian na papasukin namin medyo easy lang to mga bago naman eh, hehehe, nangyari nga halos dalawa lang ata nagtanong, tinatanong ko na nga sila kung may tanong pa sila eh mga naka tungo lang, hay salamat natapos din, sana manalo sayang naman yung effort namin, wala ako idea pero nung time na ng botohan sinasabi ng mga prof. namin na ako na daw ang mananalo, computerized voting kasi kaya alam agad and tally of votes habang naboto na sila, mga 7pm na andun parin kami sa baba at naghihintay ng resulta, umakyat na kami biglang pinost na ang resulta, wow! landslide, laki ng lamang ko sa kalaban, di ko expect yun, ng meeting agad kami for Christmas Party at yung parang manunumpa dahil kami na yung bagong Officer ng SCO, madami natuwa, madami din yung hindi, kadalasan yung mga kalaban na natalo, hehehe, buti nalang bakasyon muna at natahimik ng konti buhay ko, medyo maingay talaga pag public figure ka sa school, lalo na kapag ikaw ang pinakamataas na pwesto sa organization kasi halos ikaw ang titignan ng lahat ng istudyante, expect nila magbabago school at dapat may mangyaring pagababago, kaya pagpasok ng January plano kami for changes, una na dun ung Valentines celebration, first time yun pero di namin alam kung kakagatin ng mga istudyante ang pakulo namin, akalain mo dami sumali, pati mga prof. namin naki gulo, masaya ako kasi successful ang unang project namin, pero di ko naiisip na Valentines Day pala yun, di ko ramdam na malamig ang Love month ko, pano bahay-school-trabaho lang naman ako, ang utak ko nun nasa bahay lang namin , pagaaral, at trabaho, ako pa nga naglalaba nang damit ko, kainis nga eh, para kong magpapari, sabi nga ng mga classmate ko, tumawa ka naman, lagi ng nakakunot noo mo gusto mo magresign na sa SCO, pinasok ko to kaya dapat kong tapusin, bago mag tapos ang school year eh may nangyari pang kakaiba, akalain mong lumipat kami sa aparment!! Hehehe, ang kulit no, dun kami magaaral, siguro rerenovate naman yun bago mgumpisa ulit ang school year, pero ang weird, di ko na inalam ano dahilan bakit pinasara ang school naming sa 4th floor, mahalaga may mapapasukan kami, wow 1 year nalang graduate na ko, kaso may problema, parang di ko na kaya pagsabayin ang pagaaral at pagtratrabaho, lalo na ngaun na may thesis na kami, kailangan ko na ang tulong ng tita ko, dun muna ako titira may canteen naman siya papasok ako sa umaga tutal naman pang hapon na ko sa school, grabe dami dami ko ng iniisip, papasok na naman pala, tapos yung acquaintance party pa pala, san kaya ang venue, mag room to room nalang kami para malaman ko opinion nila, at as usual, majority says Nonino Resort daw, which is last year dun din, madami ayaw din dun pero majority ang pipiliin namin, nagpakalbo ako para maiba at enjoy, hehehe, medyo successful naman ang party, may banda, may inuman, at as usual ang mga detractors ko may nasabi, hehehe, part ng pagiging officer ko un, expect ko na yun bago ko pinasok to, grabe umaga na kami nakauwi, nakakapagod, pero ok lang deretso uwi at tulog, mabuti malapit na inuuwian ko kasi dun na ko sa tita ko nauwi, as usual ang buhay, gising ng 4am, pasok sa canteen ng tita kong maganda, hehehe, medyo masungit minsan yun, mga 1pm deretso na ko sa school, after ng school meeting about activities ng school, derecho uwi kasi maglalaba pa ko, dalawa lang kasi polo ko kaya salit salitan lang, mabuti nalang di nakakapagod, nasanay na siguro ako, basta no choice din naman ako kung tatamarin ako eh, kaya ito kailangang mg review kasi malapit na midterm exam, kaso kailangan ko pa palang ayusin ang linggo ng wika namin, pero exciting yun kasi madami ulit ako makikilala kasi my practice for competition, magsasama sama lahat ng magkaka course, at siyempre no choice dahil ako naman daw ang magaling sa activities kaya ako parin ang namuno sa bawat practice, hay naku buhay paikot ikot lang, pero ok lang may mga kaibigan naman ako eh, dun kami sa Villa Carolina nagpraractice sa may Muntinlupa dun ang balwarte ng course namin tuwing my practice for activities, ang kukulit ng 1st year, ganyan ba ko dati, hehehe, pati ako kinukulit, sabi ng mga kaibigan ko tuwing linggo ng wika daw may nagkakagusto sa kin, feeling gwapo naman siyempre, hehehe, pero parang wala lang eh, basta trabaho-aral-bahay lang naikot ang buhay ko, minsan sa mga kaibigan, makapagpasukat nga ng bagong salamin para maiba naman, nung acquaintance kasi nagpakalbo ako kaya ngayon naman naka salamin ako, medyo kabado kasi first time na malaki venue ng linggo ng wika sa school namin, exciting ng competition, sumayaw nga ako eh, hehehe, ang cute ko daw sumayaw, yung mga bugok kong kaklase nasusuka na sa sayaw ko, hehehe, halos lagi kasi nila ako nakikita eh kaya yun, 2nd place lang kami pero ok lang at least my celebration ulit, pagmimitingan ulit yun, kasi so mam zey di papayag na talo kami gusto na champion kaya nagreklamo siya, luto daw, hehehe, pasaway talaga, mahalaga may outing, hehehe teka, malapit na pala birthday ko, e di isabay na lang sa celebration para double party, sabado naman yun eh, may bahay sa nagcarlan yung 1st year student maganda dun, wow! first time ang layo nun ah, medyo magiging maganda birthday ko ngayon ah out-of-town. Hay salamat nakapahinga ng konti utak ko, matagal tagal pa ang sportsfest kaya makakapag prepare pa ng matagal, at pa easy easy muna pagaaral habang wala pa ang thesis, kaya konting tambay muna sa may tindahan sa harap ng school namin.


itutuloy...............

Sunday, January 8, 2012

Goodbye 2011...Hello 2012!!!

here's my profile biography for the year 2012:



Description of every human being has their own uniqueness and qualities that recognize their personality. Coming from their physical attributes, how to deal and mingle with strangers and friends, up to their peak of interest, positive and negative points.

Im just a simple person. madaling pakisamahan, wag lang masyadong epal (yung parang retarded na), as long as i have no choice but to mingle with eh makikisama na lang ako (no choice nga kasi), pero sabi nila suplado daw ako...hindi naman (choosy ka, yummy ka ba?? hehehe)

Favorites?? when it comes to food, vegetable salad, seafood, pizza (1 king size bed will be fine, hehehe), ayun buo na araw ko...but those favorites is just once in a blue moon ko ma experience(mahirap lang kasi ako, tumbling!), kaya sobrang happy yepee yehey ako pag nakakain ako ng list of cravings ko, movies?? more on sci fi film, suspense and horror, then pag local ok na ang family drama, or love story, comedy (hahaha corny), hobbies?? surfing the net lang ako pag off days, then workout, laba, kain, tulog, hehehe, then txting and calling na walang kapaguran, gusto ko din ng mga gadgets (most of the peeps naman tekki na), trip ko din pag my budget ang malling or bar hopping, depende sa kasama kung komportable naman ako sa kanila, pag wala sa mood super kj ako, at ayoko ng mayabang na wala namang pagyayabang or my negative din naman sa kanya, gusto ko ako lang mayabang, hehehe, ganito tayo eh....

Future plans is the great challange for me, i realized that not all we want to expect will be granted in our own plans, there are ruined things and obstacles that come our way, so we need a back plan in case (may ganun, hehehe)


My name is Rod...5"5' in height, 125 lbs, average built, i started working out on my body last 2010, going to gym but not frequent, white complexion, and someone told me that my asset is my eyes.

I was born on September 10, 1987 in Laguna. My zodiac sign is Virgo but as of this moment according to astrologist, i become Leo, so from being mabait at conservative homeboy slash nerd slash bookworm school boy ng Laguna eh naging pasaway slash horny slash independent guy ng Alabang.

I'm just alone with my life now and looking for an imperfect partner to be my perfect world, i'ts just like happy dahil hawak ko lahat, time, budget, gigs, everything. Sabi nila easy going daw ako, may pagka suplado lalo na pag hindi tipo ang kausap pero friendly at mabilis lapitan whenever you have a problem (wag lang financial problem).

I fond going to bar and resto although di na frequent because of my work schedule and other activities (laba, plantsa, kain, tulog--is that make any sense??). I really like doing reunion with my friends kasi talagang minsan lang kami magkita-kita, that's how i treasure friendship, but how i earned and be in my list of friends is just like an audition sa Pinoy Big Brother, thru our experiences and how we handle being friends is my standard, magugulat na lang ako na best of friends na kami, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan sa panahon ngayon, kaya ganun na lang ako ka vain when it comes to friends and real friends.

Negative side??? mabilis mainis, hot temper (laging hot, hehehe) bihira ako mag pasensya in short mainipin and positive side??? siguro kung naghahanap ka ng clown sa bahay ay the best ako na provider, sasakit tiyan mo sakin kakatawa unless ayoko magpatawa, depende kasi sa taong kaharap ko kung gusto kong maging jolly or serious, if i knew that in relationship kasi pupuntahan namin dapat firm at kahit papaano serious pero kung tropa-tropa ayun sakit ng tyan aabutin mo sa akin kakatawa. I'm the person that you can lean and rely on in downtimes and lift up in your success....(-:23

CHECK OUT MY SITES:

http://rodglenn.sulit.com.ph/
http://rodglennmorales.blogspot.com/
http://twitter.com/rodge10